^

Metro

150 kabahayan tupok sa sunog sa Las Piñas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
150 kabahayan tupok sa sunog sa Las Piñas
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-5:45 ng hapon nang unang sumiklab ang apoy sa may Exodus St., BF Martinville, Brgy. Manuyo Dos, ng natu-rang lungsod.

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 150 bahay ang natupok ng isang malaking sunog sa loob ng isang subdibisyon sa Las Piñas City nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-5:45 ng hapon nang unang sumiklab ang apoy sa may Exodus St., BF Martinville, Brgy. Manuyo Dos, ng natu-rang lungsod.

Agad na umakyat sa ikaapat na alarma ang sunog dakong alas-6:45 ng gabi nang mabilis na kumalat sa mga kabahayan at ganap na naideklarang ‘fire under control’ alas-7:00 na ng gabi.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente habang nagkanya-kanyang ligtas ng kanilang mahahalagang gamit sa bahay ang libu-libong mga residente na naapektuhan ng apoy.

Lumikas naman ang    mga residente sa basketball court sa naturang bara-ngay habang humihingi ng ayuda sa lokal at nasyunal na pamahalaan ang mga apektadong pamilya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang mabatid kung ano at saan nagmula ang apoy.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with