MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 150 bahay ang natupok ng isang malaking sunog sa loob ng isang subdibisyon sa Las Piñas City nitong Sabado ng gabi.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-5:45 ng hapon nang unang sumiklab ang apoy sa may Exodus St., BF Martinville, Brgy. Manuyo Dos, ng natu-rang lungsod.
Agad na umakyat sa ikaapat na alarma ang sunog dakong alas-6:45 ng gabi nang mabilis na kumalat sa mga kabahayan at ganap na naideklarang ‘fire under control’ alas-7:00 na ng gabi.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente habang nagkanya-kanyang ligtas ng kanilang mahahalagang gamit sa bahay ang libu-libong mga residente na naapektuhan ng apoy.
Lumikas naman ang mga residente sa basketball court sa naturang bara-ngay habang humihingi ng ayuda sa lokal at nasyunal na pamahalaan ang mga apektadong pamilya.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang mabatid kung ano at saan nagmula ang apoy.