^

Metro

Kontraktor ng basura sa Maynila, binigyan ng ultimatum

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kontraktor ng basura sa  Maynila, binigyan ng ultimatum
Ito ang ultimatum ni Manila Mayor Joseph Estrada kung hindi nito maisasaayos ang sistema ng koleksiyon at hindi pagpapatupad ng massive clean-up operation sa mga basura ng lungsod.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kung patuloy na mabibigo sa koleksiyon ng basura ang contractor na IPM Construction and Development Corporation, ipatatanggal  at iba- blacklist na ito ng Maynila.

Ito ang ultimatum ni Manila Mayor Joseph Estrada kung hindi nito maisasaayos ang sistema ng koleksiyon at hindi pagpapatupad ng massive clean-up operation sa mga basura ng lungsod.

Hindi rin magdadalawang isip si Estrada na kan­selahin ang kontrata ng IPM kapag nakakita pa rin siya ng tambak na basura sa mga kalsada sa lungsod.

Kaugnay nito, inatasan ni Estrada ang Department of Public Services at Manila Task Force Cleanup na tiyaking mahahakot ang lahat ng basura saan mang panig ng Maynila.

Naglaan din ang alkalde ng P45 million para sa pagkuha ng 1,000  bagong street sweepers na magiging bahagi ng task force na maglilinis sa buong lungsod.

Bukod dito, pinamama-da­li na rin ni Estrada ang pag-apruba ng konseho sa P38 million budget na ipambibili ng anim na forwarder dump trucks na gagamiting support group ng task force sa kanilang cleanup driver.

Sa pamamagitan ng trak na pag-aari ng lungsod, sinabi ni Estrada na magkaka-roon agad ng sariling pagkilos ang lokal na pamahalaan kapag pumalpak pa rin ang kontraktor.

JOSEPH ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with