10 pang truck ng basura, nahakot sa Roxas Blvd.

Ayon kay MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, aabot pa ng ilang linggo ang gagawing paglilinis ng kanilang mga tauhan para maging clear ang Roxas Boulevard mula sa mga nagkalat na basura na ipinadpad ng malakas na alon mula sa Manila Bay.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Nasa 10 dump trucks na mga basurang nahakot nang pinagsanib na pwersa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at  Metro Park Clearing Group ng Manila City Hall Office mula sa Roxas Boulevard sa nakalipas na tatlong araw na walang humpay na pag-ulan.

Ayon  kay MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, aabot pa ng ilang linggo ang gagawing paglilinis ng kanilang mga tauhan para  maging clear ang Roxas Boulevard mula  sa mga nagkalat na basura na ipinadpad ng malakas na alon mula sa Manila Bay.

Pansamantala muna aniyang itinigil ang clean-up operation ng MMDA at mga tauhan ng Manila City Hall bunsod aniya ng malakas na alon mula sa Manila Bay.

Sabi pa ni Pialago ang masamang panahon aniya ang balakid kung kaya’t pati-gil-tigil ang cleaning operation ng kanilang mga tauhan.

“Hindi ho talaga natin kinaya ‘yung ulan na parang 15 days na ulan, tuluy-tuloy ‘yung bugso ng tubig, kasama pa yung suliranin natin sa basura,” ani Pialago.

Nabatid na nasa 80 tauhan ng MMDA at Metro Park Clearing Group ng Manila City Hall ang nagsanib pwer­­sa para linisin ang kahabaan ng Roxas Boulevard.

Show comments