Disiplina, segregation pairalin--Erap

Ito ang iniwang tanawin sa naranasang pagbaha sa Brgy. Malanday dulot lamang ng habagat nitong mga nakalipas na araw. Marami pa rin ang hindi pa nakakauwi sa kanilang tahanan na pinasok ng putik at basura sa mataas na pagbaha.
(Kuha ni Walter Bollozos)

Problema sa basura

MANILA, Philippines — Pairalin ang disiplina at segregation ng mga basura.

Ito ang binigyan diin ni Manila Mayor Joseph Estrada hinggil sa sistema ng pagtatapon at koleksyon ng basura ng mga residente ng Maynila.

Ayon kay Estrada, kailangan ngayon ng Maynila ay ang kooperasyon ng  bawat residente upang malinis ang lungsod.

Aniya, hindi biro ang basurang nahahakot ng mga truck araw-araw kung kaya’t kailangan na sumunod sa patakaran na ilalabas lamang ang mga basura kung dumating na ang truck.

Paliwanag ni Estrada, ginagawa ng city government ang lahat ng paraan upang malinis ang lungsod mula sa mga nagkalat na basura.

Giit pa ni Estrada, kailangan din ang tulong ng mismong Manilenyo at iwasang isisi  ang lahat sa city officials.

Show comments