MANILA, Philippines — Nagpatupad kahapon ng ‘‘force evacuation’’ ang mga tauhan ng search and rescue team ng Marikina City sa mga residente na nakatira sa mababang lugar partikular ang mga nakatira sa paligid ng Marikina River makaraang ilagay sa ikatlong alarma ang taas ng lebel ng tubig sa ilog.
Nabatid na dakong alas-4:50 ng hapon nang biglang tumaas ang tubig sa Marikina River na umabot sa 18.01 metro kaya umabot sa 3rd alarm ang tubig sa ilog bunsod ng malakas na ulan na dala ng hanging Habagat.
Tinukoy ng Marikina rescue ang mga inilikas nilang residente na dinala sa Bulelak Covered Court ay nasa 171 na pamilya o kabuuang 971 individual, sa Malanday Elem. school ay 191? na pamilya (824? individual), Sta Elena Elem School ay 61 na pamilya, (284 individual), Tañong High School ay 21 pamilya (7?5 individual), Nangla Elem. School ay 103 pamilya na 447 individual, CIS Elem School ay 54 pamilya (248 individual), H Bautista ay isang pamilya (5 individual) na umaabot lahat sa 528 pamilya o 2,530 individual.
Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ang ginagawang sapilitang paglilikas sa mga residente ng mga awtoridad habang mahigpit na binabantayan ang tubig sa ilog ng Marikina.