^

Metro

Force evacuation sa Marikina ipinatupad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Force evacuation sa Marikina ipinatupad
Nabatid na dakong alas-4:50 ng hapon nang big­lang tumaas ang tubig sa Marikina River na umabot sa 18.01 metro kaya uma­bot sa 3rd alarm ang tubig sa ilog bunsod ng malakas na ulan na dala ng hanging Habagat.

MANILA, Philippines — Nagpatupad kahapon ng ‘‘force evacuation’’ ang mga tauhan ng search and rescue team ng Marikina City sa mga residente na nakatira sa mababang lugar partikular ang mga nakati­ra sa paligid ng Marikina River makaraang ilagay sa ikatlong alarma ang taas ng lebel ng tubig sa ilog.

Nabatid na dakong alas-4:50 ng hapon nang big­lang tumaas ang tubig sa Marikina River na umabot sa 18.01 metro kaya uma­bot sa 3rd alarm ang tubig sa ilog bunsod ng malakas na ulan na dala ng hanging Habagat.

Tinukoy ng Marikina rescue ang mga inilikas nilang residente na dinala sa Bulelak Covered Court ay nasa  171 na pamilya o kabuuang 971 individual, sa Malanday Elem. school ay 191? na pamilya (824? individual), Sta Elena Elem School ay 61 na pamilya, (284 individual), Tañong High School ay 21 pamil­ya (7?5 individual), Nangla Elem. School ay 103 pamil­ya na 447 individual, CIS Elem School ay 54 pamilya (248 individual), H Bautista ay isang pamilya (5 individual) na umaabot lahat sa 528 pamilya o 2,530 individual.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ang ginagawang sapilitang paglilikas sa mga residente ng mga awtoridad habang mahigpit na binabantayan ang tubig sa ilog ng Marikina. 

MARIKINA EVACUATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with