MANILA, Philippines — Bunsod na rin ng banta sa kanyang buhay, naghain ng panibagong Urgent Ex-Parte Motion for Issuance of Commitment Order ang self-confessed drug lord na si Rolan Kerwin Espinosa sa Manila Regional branch 26.
Batay sa 2 pahinang mosyon na inihain ni Atty. Jesus Obejero, Jr., isa sa abogado ni Espinosa, sa sala ni Judge Silvino Pampilo, Jr., iginiit nitong malalagay sa matin-ding panganib ang buhay ni Espinosa kung ililipat siya ng piitan mula sa NBI detention facilities patungo sa ibang piitan o sa Makati City Jail.
Katwiran ng kampo ni Espinosa, sa naunang ruling ng Korte Suprema, isinasaalang-alang ang mga pagbabanta sa buhay nito maging sa usapin ng pagbibiyahe pa lamang sa akusado mula Maynila patungong Baybay, Leyte kaya’t pinayagan ng korte na manatili ito sa NBI.
Matatandaan na isang pa-nibagong kaso na may kinalaman sa iligal na droga ang inihain laban kay Espinosa sa Makati RTC kaya’t nangangamba ang kampo ni Espinosa na maglabas ng panibagong commitment order ang hukuman.
Pinagkokomento naman ni Judge Pampilo ang piskal sa loob ng limang araw kaugnay ng mosyon ng kampo ni Espinosa.
Samantala, dalawang mamamahayag ang kabilang sa mga isinalang sa witness stand ng panig ng prosekusyon kahapon ng umaga sa Manila RTC branch 26, kaugnay ng kasong pagpapakalat ng iligal na droga o paglabag sa probisyon ng RA 9165 at kasong illegal possession of firearms o paglabag sa PD 1866, na inamyendahan ng RA 8294.
Kabilang sa mga witness ng prosekusyon ang mga mamamahayag na sina Roberto Dejon at Ronie Roa gayundin si P/Chief Insp. Daryl Chua na nagprisinta ng sinasabing sabwatan ng napatay na si Mayor Rolando Espinosa sa anak na si Kerwin espinosa sa usapin ng illegal ng droga.
Iprinisinta ni Chua, ang 11 kilo ng shabu na nakum-piska ng PNP sa isinagawang operasyon sa bahay ni Ma-yor Espinosa sa Sitio Tinigo, Albuera, Leyte.
Itinakda naman ng hukuman sa Agosto 24 ang pagpapatuloy ng pagdinig ng kaso laban kay Kerwin.