2 ‘tulak’ utas sa buy-bust

Patay na nang idating sa Gat Andres Hospital sina Raymart Mendoza, 27, may taas na 5’9” katamtaman ang pangangatawan at naka­su­ot ng black t-shirt, orange at black short pants na may STAR tattoo sa kabilang balikat habang ang isang suspek ay nakilala lamang sa alyas “BOY”, tinatayang nasa edad 25 at may taas na, 5’6” katamtaman ang pangangatawan nakasuot ng black t-shirt, at grey short pants na may tattoo sa dibdib na nakasulat “ONLY GOD CAN JUDGE ME”.

MANILA, Philippines — Dalawang hinihinalang ‘tulak’ ng iligal na droga ang patay matapos na maki-pagbarilan sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng Police Station 2 nang magsagawa ng buy-bust operation sa Gate 14, Parola Compound, Tondo, Manila.

Patay na nang idating sa Gat Andres Hospital sina Raymart Mendoza, 27, may taas na 5’9” katamtaman ang pangangatawan at naka­su­ot ng black t-shirt, orange at black short pants na may STAR tattoo sa kabilang balikat habang ang isang suspek ay nakilala lamang sa alyas  “BOY”, tinatayang nasa edad 25 at may taas na, 5’6” katamtaman ang pangangatawan nakasuot ng black t-shirt, at grey short pants na may tattoo sa dibdib na nakasulat “ONLY GOD CAN JUDGE ME”.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Carlo Manuel, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Road 10, Tondo pero natunugan umano ni Mendoza na ang kanyang ka-transaksyon ay mga pulis kaya’t agad itong bumunot ng baril at pinaputukan si PO2 Mariano na nagpanggap na buyer pero hindi nito natamaan ang bagitong pulis.

Paliwanag ni Supt. Ma-nuel, tumakbo umano si Mendoza patungo sa kanyang kasamahang si alyas “Boy” na nakaabang na sakay ng motorsiklo patungo sa Delpan Bridge pero nakorner sila ng mga nagrespondeng mga operatiba ng MPD, nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta ng kamatayan ng mga suspek naisugod pa sa pagamutan pero binawian  din ng buhay.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang kalibre .38 baril na ginamit ng mga suspek.

Show comments