Rehab sa Navotas fish port ikakasa na

Ito ang inihayag ni Special Assistant to the President Bong Go sa pagbisita niya kahapon sa Market 3 ng Navotas Fish Port para sa ika-42 anibersaryo ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA).
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit 40 na taon, nakatakda nang isaila-lim sa rehabilitasyon ang Navotas Fish Port sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng administrasyong Duterte.

Ito ang inihayag ni Special Assistant to the President Bong Go sa pagbisita niya kahapon sa Market 3 ng Navotas Fish Port para sa ika-42 anibersaryo ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA).

Inihayag ni Go na naglaan na ang pamahalaan ng P219 milyong pondo para sa rehabilitasyon ng pinakamalaking bagsakan ng isda sa Metro Manila upang maging “world class” ito.

Nakapaloob ang pondo sa National Expenditure Program na isinumite ng administrasyon sa Kongreso upang aprubahan. Tatakbo ang rehabilitasyon ng fish port mula 2019 hanggang 2023.

Show comments