Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ‘Outstanding Local Executive of the Year’
Kinilala ng NCRPO
MANILA, Philippines — Pinarangalan si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at ang Quezon City Police District (QCPD) dahil sa kanilang naging kontribusyon sa kampanya kontra iligal na droga at krimen sa lungsod na bahagi ng 23rd Police Community Relations Month ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa NCRPO Grandstand Taguig.
Kinilala si Belmonte bilang “Outstanding Local Exe-cutive of the Year” habang ang QCPD ay kinilalang “Outstanding Police District” sa naturang okasyon na may temang “Tapat na Serbisyo at Paglilingkod ng Kapulisan Kaagapay ang Mamamayan, Hatid ay Kaunlaran.”
“I feel really ecstatic to have been a recipient of this award considering that I am just a vice mayor, but it feels good to know that your work has been recognized and that your work has been successful,” sinabi ni Belmonte.
Dagdag ni Belmonte na nagpapasalamat siya sa pagkilala ng kapulisan sa kanyang tulong sa kampanya laban sa krimen at iligal na droga sa QC.
Bilang chairperson ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC), pinangungunahan ni Belmonte ang kampanya kontra iligal na droga ng lokal na pamahalaan katulong ang kapulisan, mga barangay, ang simbahan, at ang pribadong sektor.
Sinabi rin ni Belmonte na todo suporta siya sa lahat ng programa ng NCRPO lalo na’t patuloy ang paglilinis sa hanay ng mga kapulisan.
Kinilala rin ang QCPD bilang “Outstanding Police District” habang ang Marikina police force ay ginawaran ng gantimpalang “Outstanding City Police Station.”
- Latest