^

Metro

Pasay City jail ni-raid

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Pasay City jail ni-raid
Alas-4:30 ng mada-ling araw nang sinimulang halughugin ng mga operatiba ang 14 na selda sa Pasay City Jail na may tatlong palapag kung saan nakapiit ang nasa 1,300 inmates.

MANILA, Philippines — Nabulabog ang mahigit 1,000 preso ng Pa­say City Jail matapos magkasa ng sorpresang ‘Oplan Greyhound Ope­ration’ ang pinagsanib na puwersa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) at Pasay City Police kahapon ng ma-daling araw.

Alas-4:30 ng mada-ling araw nang sinimulang halughugin ng mga operatiba ang 14 na selda sa  Pasay City Jail  na may tatlong palapag  kung saan nakapiit  ang nasa 1,300 inmates.

Isa-isang pinalabas ng selda ang mga preso na pinaghubad ng damit at pinatanggal din ang mga short at jogging pants.

Sabi ni Pasay City Jail Warden Supt. Bernie Ruiz, ilan lamang ang kanilang nakumpiskang kontrabando tulad ng pako, tubo, kahoy, matu­tulis na gamit kagaya ng ballpen, lapis, nail cutter, lighter, pang-ahit, blade at mga tooth brush na mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng selda.

Bukod pa rito naka­kuha rin ng mga tali na ginagamit umanong pa­mingwit ng mga preso sa pagkuha ng mga kontrabando at wala namang nakumpiskang droga.

Dapat aniya 350 bilang na preso lamang ang nakakulong dahil iyun ang kapasidad ng bilangguan, subalit lumobo ito dahil 1,300 nga ang nakapiit dito.

PA­SAY CITY JAIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with