Submission ng UPCAT application sa Diliman, nagkagulo
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng kagulu- han at tensyon sa huling araw nang pagsusumite ng mga senior high schools students buhat sa private schools sa Metro Manila ng kanilang aplikasyon para sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) para sa school year 2019-2020 sa UP Diliman Quezon City kahapon.
Ito ay bunga ng naging pagdagsa ng mga mag-a-aral na nagsasabay sa last day na tinatayang aabot sa 10,000.
Sa sobrang haba ng pila at dami ng mga mag aaral ay nagkaroon ng siksikan at pila dahilan para ang ilang mag-aaral ay mahilo at mahimatay.
Agad namang dinala ang mga nahilong estudyante sa clinic ng paaralan na nabigyan ng agarang lunas.
Sinasabing kagabi pa pumila ang ilang mag-aaral sa admission office kaya’t nang mag-umaga ay siya namang haba ng pila kayat nagsiksikan na ang karamihan doon.
Dapat sana ay noong isang linggo pa ang deadline sa pagsusumite ng UPCAT form sa UP Diliman pero dahil sa mga pag-uulan sa Metro Manila na dulot ng sunud-sunod na pagbagyo ay itinak- da kahapon ang deadline.
Wala namang tugon ang pamunuan ng UP management sa panawagan ng mga aplikante na-eextend ang pagsusumite ng aplikasyon.
Mayroon ding submission ng UPCAT application sa UP Maynila pero hindi naman nagka-tensyon.
- Latest