^

Metro

Pagkilala sa karapatan ng LGBT, patuloy na isinusulong ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagkilala sa karapatan ng LGBT, patuloy na isinusulong ni Joy B
“Dito sa Quezon City, they [LGBT] are most welcome. We are the most LGBT-friendly city because we have an ordinance in place that recognizes their rights - the rights to receive services the same as everybody else’s right,” pahayag ni Belmonte
Boy Santos

MANILA, Philippines — Habang patuloy na binubusisi sa Senado ang anti-gender discrimination bill, patuloy namang isinusulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte  ang  commitment ng lokal na pamahalaan na kilalanin ang karapatan ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) community sa  Quezon City.

“Dito sa Quezon City, they [LGBT] are most welcome. We are the most LGBT-friendly city because we have an ordinance in place that recognizes their rights - the rights to receive services the same as everybody else’s right,” pahayag ni Belmonte

Habang pinag -uusapan pa ang “Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE)” Equality Bill na iniakda  ni Senator Risa Hontiveros ay inuudyok ni Belmonte na tangkilikin ng mga taga- QC ang lokal na katumbas nito na “Gender-Fair City” ordinance sa lungsod.

Layunin ng naturang ordinansa na protektahan ang mga karapatan ng mga LGBT sa mga paaralan, mga opisina, at sa mga pangunahing serbisyo.

Bilang presiding officer ng Sangguniang Panlungsod, mahalaga ang naging papel ni Belmonte sa naipasang ordinansa, na ngayo’y itinuturing na isa sa mga nangungunang batas ukol sa gender equality sa Metro Manila.

Isa sa mga  programa ni Belmonte na naglalaan ng tulong sa  mga LGBT ang  Quezon City Protection Center (QCPC) na kanlungan ng  mga miyembro ng LGBT, mga kababaihan, at mga kabataan na naging biktima ng karahasan. Sa ngayon, may 1,000 na kliyente na ang natulungan ng protection center.

MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with