^

Metro

Mga guro at mag-aaral, isasama sa mental health wellness campaign ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mga guro at mag-aaral,  isasama sa mental health wellness campaign ni Joy B
Ito ay sinabi ni Belmonte makaraan ang pagpapaka­matay noong nakaraang linggo ng isang public school teacher sa Leyte.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na kasama ang mga guro at mga mag-aaral  sa mental health wellness campaign na ipatutupad ng tanggapan.

Ito ay sinabi ni Belmonte makaraan ang pagpapaka­matay noong nakaraang linggo ng isang public school teacher sa Leyte.

Kaugnay nito, suportado naman si Belmonte sa isang programa ng Natasha Goulbourn Foundation (NGF) na la­yong gumawa ng mga mo­dule hinggil sa mental health para sa mga paaralan upang pa-ngalagaan ang mental wellness ng mga estudyante at guro.

“[NGF] did modules for school to incorporate depression and mental health in the school curriculum, and now they are going to have modules for teachers,” sinabi ni Belmonte sa isang pulong  kasama si  NGF Founder Jeannie Goulbourn.

“In their records, 30% of teachers are suffering from depression. So med­yo ma­laki, diba? That’s where we’re trying to work together,” dag-dag ni Belmonte.

Sa kanilang mga programa para sa sektor ng edukasyon, humihingi ng tulong ang NGF mula sa mga professional mental health care provider upang magbigay-kaalaman ukol sa depression sa mga pampublikong paaralan, mga kolehiyo at mga unibersidad.

Nagsasagawa rin ang organisasyon ng training programs upang magturo sa mga guro, mga magulang at mga lider ng komunidad ng psychotherapy at sanayin sila upang alamin kung kailangan nang mamagitan ang isang mental health care professional sa isang kaso.

Noong 2011, nakipag-ug­nayan si Belmonte sa NGF, mga ahensya ng pamahalaan, mga unibersidad, at mga non-government organization upang ipagdiwang ang World Suicide Prevention Day sa pamamagitan ng iba’t ibang programa sa QC.

Sinabi rin ni Belmonte na nakikipagtulungan siya sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) sa QC  upang  magsagawa ng mga proyekto para itaguyod ang mental health ng mga kabataan.

JOY BELMONTE

NATASHA GOULBOURN FOUNDATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with