MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis-Maynila makaraang pagbabarilin ng isang rider na suspect, kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.
Kaugnay nito blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa pamamaslang sa biktimang si PO2 Joel Padre Juan, 40 nakatalaga sa Anti-Crime Unit ng MPD-Station 4 at residente ng Sampaloc, Maynila.
Ayon kay MPD-Homicide Section chief, Senior Inspector Rommel Anicete, nagsa-sagawa pa ng imbestigasyon ang kaniyang mga tauhan matapos panoorin ang kuha ng closed circuit television (CCTV) hinggil sa pananambang ng rider sa biktima.
Dead on the spot si PO2 Padre Juan habang sugatan sa ligaw na bala ang isang Gilbert Barid, 32, residente ng Batanes St., Sampaloc, na nilapatan ng lunas sa Ospital ng Sampaloc.
Naganap ang insidente alas-5:15 ng hapon sa panulukan ng G. Tuazon at Min-doro Sts., Sampaloc.
Hindi naman mamukha-an sa footage ng CCTV ang gunman dahil nakatalikod ang kuha na nakabuntot sa biktima na lulan din noon ng motorsiklo saka mabilisang binaril ang huli.
Nang tumumba kasabay ng kaniyang motorsiklo ang biktima ay huminto pa ang gunman at muli siyang pinaputukan ng malapitan kahit nakabulagta na sa kalye ng G. Tuazon.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Padre Juan.