Surprise shake drill ‘sumablay’

Dahil dito naging malayo sa unang naging pahayag ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA), na magiging makatotohanan ang kanilang ikaapat na Metro Manila Shake Drill.
Miguel De Guzman/File

MANILA, Philippines — Mistulang ‘sablay’  kahapon ang idinaos na ikaapat na shake drill dahil  hindi na ito sorpresa at itinuturing itong simpleng pagsasanay.

Dahil dito naging malayo sa unang naging pahayag ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA), na magiging makatotohanan ang kanilang ikaapat na Metro Manila Shake Drill.

Kahit sabihin pa aniya ni MMDA General Manager Jojo Garcia na wala namang miscommunication sa pagitan ng ahensiya  at National Telecommunication Commission (NTC).

Sabi ni Garcia, dapat alas-12:55 ng hapon naipakalat na ang impormasyon para masorpresa ang mga lalahok. Suba­lit hindi na aniya ito naging sorpresa dahil alas-10:00 ng umaga ay na-itext na ng NTC   sa publiko ang shake drill at maaga pa lang ay alam na ng mga lalahok ang naturang pagsasanay.

Pinagpaliwanag ni Garcia ang NTC sa insidente at katwiran aniya nito na kaya napaaga ang txt ay baka aniya matrapik o ma-delay ang communication at ma-late ang pagsasanay.

Ikinatuwiran pa aniya ng NTC nitong mga ilang mga   araw ay nagkaroon ng problema ang kanilang communication.

Gayunpaman, sabi ni Garcia susulatan pa rin nila ang NTC hinggil dito at paiimbestigahan nila ito.

Eksaktong ala-1:00 ng ha­pon sinimulan ang shake drill, subalit wala na aniya itong excitement.

Kabilang sa pagsasanay  ang panawagan sa mga tao na huwag magpanik ang mga ito at  bigyan ng puwang ang mga emergency vehicle tulad ng ambulansiya.

Show comments