Mayors maaaring kasuhan -- DILG

Ayon kay DILG Un-der­secretary Epimaco Densing III, ang mga constituents ng isang bayan at munisipalidad ang maaaring magsampa ng kaso sa mga Mayor na nagpapabaya sa kani-kanilang mga tungkulin.

Sa late na class suspension

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaaring kasuhan ang sino mang Alkalde na hindi kaagad makakapagsuspinde ng klase sa kanyang nasasakupan kapag may malakas na pag-ulan, pagbaha at iba pang kalamidad.

Ayon kay DILG Un-der­secretary Epimaco Densing III, ang mga constituents ng isang bayan at munisipalidad ang maaaring magsampa ng kaso sa mga Mayor na nagpapabaya sa kani-kanilang mga tungkulin.

Aniya, dapat ay alas-4:30 ng madaling araw pa lamang ay gising na ang mga local chief exe­cutive kung may malalakas na pag-ulan, pagbaha at iba pang kalamidad sa kanilang lugar para makapagdeklara ng suspension ng klase,  habang alas-11:00 ng umaga ang tamang oras para sa class cancellation sa mga estudyante sa pumapasok sa hapon.

“May specific na oras po ‘yan: 4:30 in the mor-ning session at 11:00 a.m. in the afternoon kung i-deklara. Pero kung yung local chief executive, tatamad-tamad, hindi alam kung anong gagawin, maaring pong i-reklamo ng taumbayan at pwede silang kasuhan ng administratibo dahil hindi sila tumutupad sa mga batas,” sabi ni Densing.

Hindi naman pabor si Densing na ibalik sa Department of Education (DepEd) ang pag-a-anunsiyo sa pagsuspinde sa klase ng mga estudyante kapag masama ang panahon.

Sinabi ni Densing, ang mga alkalde o local chief executives sa bansa ang siyang makakapagbigay ng tamang pagtaya sa lagay ng panahon sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Densing, sa bawat  bayan at munisipalidad sa bansa ay may local disaster risk reduction councils na pinamumunuan ng mga Alkalde ang siyang may karapatan sa ‘class cancellations’ dahil sila ang nakakabatid ng sitwasyon kung mayroong malakas na pag-ulan, pagbaha, landslide at iba pang kalamidad.

Inaatasan ni Densing ang lahat ng Local Go-vernment Units (LGUs) na magpulong at bigyan ng direktiba ang kani-kanilang local Disaster Risk Reduction Management Services para mabilis na matukoy ang mga lugar na may pagbaha kapag may malakas na pag-ulan para mabilis na makapag-anunsiya ng suspensions ng klase at kung kailangan ng magkaroon ng paglilikas o evacuations sa mga residente.

Show comments