^

Metro

Naglipanang tricycle sa MM hindi kayang kontrolin ng LTO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Naglipanang tricycle sa MM hindi kayang kontrolin ng LTO
Sinabi ni LTO Law Enforcement Director Francis Almora na hindi rin nila basta agad madarakip ang mga tricycle drivers na dumaraan sa mga panguna-hing lansangan dahil may mga ordinansang pinaiiral ang mga lokal na pamahalaan na nagsasa-legal ng pamamasada ng mga traysikel.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Aminado ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) na tali ang kanilang mga kamay sa pagpapatupad ng disiplina sa mga nagkalat na mga traysikel sa mga lansangan lalo na sa Metro Manila.

Sinabi ni LTO Law Enforcement Director Francis Almora na hindi rin nila basta agad madarakip ang mga  tricycle drivers na dumaraan sa mga panguna-hing lansangan dahil may mga ordinansang pinaiiral ang mga lokal na pamahalaan na nagsasa-legal ng pamamasada ng mga traysikel.

Sa Kapihan sa Manila Bay, pinaliwanag ni Almora   na naging malabo ang usapin sa pagbibigay ng prangkisa  ng LGU dahil hindi nila mahuli-huli ang mga tricycle na lumalabag sa pangunahing ruta national road dahil mayroon namang ordinansa rito ang LGU.

Paliwanag naman ni dating LTFRB Board Member   Atty. Ariel Inton  na  napupulitika na ang usapin sa  tricycle dahil pinapahintulutan ng mga LGU na dumadaan sa national road na lubhang napakadelikado sa mga pasahero.

Bukod  aniya rito ay problema rin ang mga tricycle na walang prangkisa lalo na sa mga probinsiya na karamihan ay walang personal passengers insurance kaya lubhang napakadelikado umano ang mga pasaherong posibleng madisgrasya.

FRANCIS ALMORA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with