Worldwide Aid To Fight Poverty Ng Inc
MANILA, Philippines — Isasara ang ilang kalye sa Maynila kaugnay nang paglulunsad ng ‘Worldwide Aid to Fight Poverty’ na inorganisa ng Iglesia ni Cristo (INC) na isasagawa sa Hulyo 14 at 15 ng taong kasalukuyan.
Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA), simula alas-6:00 ng gabi sa Hulyo14 ang kahabaan ng Katigbak Drive, South Drive at Independence Road ay limitadong dumaan dito ang mga behikulo.
Sa Hulyo 15 ng alas-12:01 ay isasara naman ang ilang kalye.
Narito ang mga apektadong lugar, Road-10 mula Moriones hanggang Delpan Bridge.
• Bonifacio Drive mula Delpan Bridge hanggang Katigbak Drive.
• Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo.
• East at Westbound lane mula P. Burgos Lagusnilad hanggang Roxas Blvd.
• Finance Road mula Taft Ave. hanggang P. Burgos
• Westbound lane ng TM Kalaw mula M.H del Pilar hanggang Roxas Blvd.
• Westbound lane ng Pres. Quirino mula M.H del Pilar hanggang Roxas Blvd.
Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta:
Ang mga behikulong dumaraan sa southbound lane ng R-10 ay dapat kumaliwa sa Moriones St. habang ang mga manggagaling ng Pasay patungong northbound lane ng Roxas Blvd. ay dapat kumanan sa P. Ocampo St. o dumaan sa service road ng Roxas Blvd. patungo sa kanilang destinasyon.
Para sa manggagaling ng Quezon, McArthur at Jones Bridge na dumaraan sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay maaring dumeretso sa Taft Ave. patungo sa kanilang destinasyon.
Ang mga motorista naman galing ng Ayala Bridge ay maaring kumaliwa o kumanan ng Taft Avenue habang ang mga dumaraan sa westbound lane ng Pres. Quirino ay maaring kumaliwa sa Mabini St.
Ang mga trak at malala-king sasakyan ay maaring dumaan sa Pres. Osmeña at Pres. Quirino habang ang patungong Nagtahan ay maa-ring dumaan sa AH Lacson, Yuseco, Capulong at R-10 (vice versa).