Rapist na akyat-bahay, huli sa QC

Kinilala ni P/Chief. Supt Joselito Esquivel Jr., ang suspek na si Randy Depra, alyas Ryan, 46, tubong Iloilo na residente ng Cagna St., Brgy. Masambong, Quezon City.

MANILA, Philippines — Huli sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang mister na sinasabing responsable sa panggagahasa sa isang dalagita makaraang pasukin ang bahay nito sa Brgy. Masambong, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Chief. Supt Joselito Esquivel Jr., ang suspek na si Randy Depra, alyas Ryan, 46, tubong Iloilo na residente ng  Cagna St., Brgy. Masambong, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong alas-4:00 ng madaling araw ay inakyat at pinasok ng suspek ang bahay ng biktima na itinago sa pangalang Lorna habang ito ay natutulog.

Sinasabing ang tunay na pakay ng suspek ay magnakaw lamang pero nakita nitong nag-iisang natutulog ang biktima kaya ginahasa nito.

Ayon sa report, nagtangkang manlaban ang biktima at sinabing pulis ang kanyang tatay pero tinutukan ito ng baril ng suspek saka siya ginahasa.

Nang makaraos ang suspek ay tinangay pa ang pera, cellpnone at iba pang mahalagang gamit ng biktima.

Agad naman nakapagsumbong sa Masambong Police Station ang biktima kaya nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek.

Sa himpilan ng pulisya ay positibong kinilala ng biktima ang nadakip na suspek, na siyang umakyat sa kanilang ta-hanan at nang-rape sa kanya. Sa ngayon ay nakakulong na sa QCPD detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong rape with robbery.

Show comments