^

Metro

Provincial bus pwede pa sa EDSA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Provincial bus pwede pa sa EDSA
Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, nagkasundo ang ahensiya at mga operator na simulan na lamang sa unang araw ng buwan ng Agosto ang implementasyon nito na dapat sana ay sa Hulyo 15 na ipapatupad.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Iniurong kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang petsa para sa pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA tuwing rush hours.

Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, nagkasundo ang ahensiya at mga operator na simulan na lamang sa unang araw ng buwan ng Agosto ang implementasyon nito na dapat sana ay sa Hulyo 15 na ipapatupad.

Sinabi ni Garcia, bawal lamang ang mga provincial bus sa EDSA tuwing rush hours, mula alas-7:00 ng umaga  hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-6:00 hanggang alas-9:00  ng  gabi.

Ang mga manggagaling na bus mula sa Norte ay hanggang EDSA-Cubao, Quezon City lamang na maaari silang magsakay at magbaba ng kanilang pasahero. 

Habang ang mga manggagaling Southern o Katimugang Luzon ay hanggang sa area lamang ng  EDSA-Pasay City.

Sabi ni Garcia, manga­nga­hulugan aniya ito na  mas mapapaluwag na ang daloy ng trapiko sa EDSA, mula  Ortigas area hanggang Ma­gallanes dahil mga city bu-ses at pribadong behikulo lamang ang papayagang bumagtas dito.

Gayunman, exempted naman sa number coding ang mga provincial buses na da­daan sa EDSA kapag tapos na ang rush hour.

Nabatid pa sa MMDA na magkakaroon muna ng dry run simula Hulyo 23 para sanayin ang mga driver ng provincial buses sa bagong patakaran.

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with