MANILA, Philippines — Binusisi nang husto ng Sangguniang Panglunsod ang P5.18 billion supplemental budget ng Quezon City na laan para sa iba’t ibang programang pang-imprastraktura at iba pang mga gastusin ng lokal na pamahalaan para sa taong 2018.
Ito ang sinabi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa harap nang pagpasa ng konseho na kanyang pinamumunuan, sa naturang budget.
“In the past kasi, the supplementary budget is just a matter, of course, that is passed, but this time, we want to make sure that all the do-cumentation is in place, the paperwork has been studied, and the project has been scrutinized,” sabi ni Belmonte.
Sa ilalim ng ordinansa bilang 20CC-408, ang P5.18 bilyon ay mula sa naipong pondo noong nakaraang taon para gagamitin sa mga kailangang gamit sa mga pampublikong paaralan, pagpapailaw sa mga kalye, pagsasaayos ng sistema sa basura, pagsuporta sa serbisyong lehislatibo, at pondo para sa mga guro na binabayaran ng lokal na pamahalaan.
Ang pinakamalaking bahagi ng budget ay mapupunta sa imprastraktura dahil P3.7 bilyon ang inilaan para sa mga ospital at health center, pampublikong imprastraktura na may kaugnayan sa enerhiya, at iba pang mga gusali. Samantala, ang P800 milyon naman ay inilaan para sa pagsasaayos ng Amoranto Memorial Sports Complex bilang paghahanda sa hos-ting ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Pilipinas.
“I’m grateful naman for the councilors who also believed in my thrust in transparent go-vernance, in good governance, in studying the documents, in ma-king sure all requirements are in place before passing a of legislation where five billion pesos will be spent,That’s a lot of money. That’s the budget of many cities already, and here, that’s just a supplemental budget,”pahayag pa ni Belmonte.
Anya, ang pagsisiyasat ng alokasyong pondo ay isang kilos para sa tapat na pamamahala alinsunod sa hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte.