MANILA, Philippines — Nagpasaklolo na ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa grupong Samahang Pagbabago upang matulungan sa kanyang problema hinggil sa naiwang walong buwang sanggol sa Alcobar Saudi Arabia.
Sa ginanap na Forum sa Samahang Plaridel Kapihan sa Manila hotel sinabi ni Alie Dizon Secretary Gen. ng Kilusang Pagbabago na pinagbibintangan aniya siya na mayroong personal na interes dahil sa kanila lumapit ang OFW dahil sa binabalewala aniya ni Labor Secretary Bello III ang problema nito na mapabalik ang sanggol sa Pilipinas.
Paliwanag ni Dizon pinagpasa-pasahan aniya siya ng tanggapan ni Bello at pinapalabas na nanggugulo sa kanyang tanggapan gayong nais lamang nilang malaman kung anong aksyon ang gagawin ng DOLE sa naturang problema.
Mayroong 8 buwang sanggol na anak ang OFW na itatago natin sa pangalang Mercy na naiwan sa Alcobar Saudi Arabia at humihingi ng tulong kay Bello pero inisnab aniya ng kalihim.
Nagalit aniya si Labor Secretary Bello dahil sa nakukulitan aniya sa paghingi nito ng tulong sa kalihim na maibalik sa bansa ang sanggol na 8 buwan na naiwan sa Saudi Arabia.