^

Metro

3 bagitong parak, timbog sa kotong

Ludy Bermudo, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
3 bagitong parak, timbog sa kotong
Dahil sa matinding galit hindi nakapagpigil si NCRPO director Guillermo Eleazar na pagkukutusan ang tatlong bagitong mga pulis na nangotong sa hinuli nilang drug suspects sa Maynila.
Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding gigil,  muntik nang gulpihin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Guillermo Eleazar ang tatlong bagitong pulis Maynila na umano’y  nangotong sa sampung drug suspects na kanilang dinakip nitong Miyerkules ng madaling araw.

Nakapagpigil man, kaagad na sinibak sa pwesto ni Eleazar sina PO1s Radam Manglicmot; Edmar Cayanan at Jeff Pee Calaguas, na pawang nakatalaga sa Ermita Station 5 ng Manila Police District (MPD).

Dahil sa command res­ponsibility maging ang hepe ng mga ito na si Supt. Eme­rey Aba­ting ay sinibak din  sa kanyang pwesto.

Kahapon ay iniharap ni Eleazar ang tatlong pulis at gigil na gigil ito sa galit na kinutusan na lamang niya ang mga ito.

Sinabi ni Eleazar, sinibak at kakasuhan ang tatlong bagitong parak dahil sa gina­wang pag-aresto ng mga ito sa sampung drug suspects na kinabibilangan ng anim na babae at 4 na lalaki sa isang hotel sa UN Avenue ni­tong nakaraang Miyerkules.

Nabatid na ang tatlong  PO1s ay nagpakilala pa uma­­­nong mga tauhan ng Phi­lip­­­­­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang hinuling drug suspects.

Kapalit ng paglaya ng mga ito ay hiningian sila ng mga pulis ng halagang P300,000.

Subalit sinabi ng isa sa mga suspect na wala silang ganun kalaking pera at naki­usap ito sa mga pulis, hanggang sa maibaba sa P50,000.

Isa sa mga asawa ng drug suspect ang nakipag-negosasyon sa tatlong pulis upang maghanap ng halagang P50,000 para makala-ya rin ang kanyang asawa.

Nagtungo rin ang isa sa mga asawa ng isang dina­kip sa tanggapan ng PDEA para alamin kung miyembro nga nila ang naturang mga umaresto.

Nang berepikahin ay nalamang nagpanggap lamang palang mga taga-PDEA ang tatlong police, dahilan upang magkasa ng entrapment operation laban sa mga ito.

Hanggang sa humantong sa pagkakadakip sa tatlong PO1s na naganap mismo sa loob ng MPD Station 5.

Mariin namang itinanggi ng tatlong pulis  ang akusas-yon sa kanila.

Samantala, inatasan na­man ni Eleazar si MPD Director Chief Supt. Rolando Anduyan, na mag-imbestiga rin sa buong Station 5 upang malaman kung may iba pang sangkot sa ganitong insidente.

NCRPO DIRECTOR CHIEF SUPT. GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with