12 tulay sa NCR na ‘poor condition’, mino-monitor
MANILA, Philippines — Labindalawang tulay sa National Capital Region (NCR) ang patuloy na minomonitor ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa hindi na maayos na kondisyon ng mga ito.
Kabilang sa 12 tulay na ito ay ang makasaysayang Old Santa Mesa Bridge o mas kilala bilang San Juan del Monte Bridge na kumukonekta sa mga lungsod ng San Juan at Sta. Mesa sa Manila.
Nabatid na makikita sa kasalukuyang itsura ng naturang tulay na gamit na gamit na dahil mapapansin na sa gitnang bahagi nito ang steel na ginamit dito.
Isinara na rin ang naturang tulay para sa mga malalaking truck, gayundin sa mga sasakyan na may mahigit sa 10 tonelada ang bigat.
Ayon sa DPWH mas maganda nang ihanda at maisaayos ng maaga ang mga tulay upang maiwasan ang anumang panganib.
Matatandaan na kamakailan lang ay nag-crack ang Otis Bridge sa Manila dahil sa katandaan.
Related video:
- Latest