9 na bagong aerobridge, inilagay sa NAIA

Ang naturang bagong solid glass aerobridges ay may built-in air conditioner at CCTV na magagamit ng mga paalis at padating na mga pasahero.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Siyam na mga bagong aerobridge ang ininstall ng pamunuan ng Manila Inter­national Airport Authori­ty (MIAA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang naturang bagong solid glass aerobridges ay may built-in air conditioner at CCTV na magagamit ng mga paalis at padating na mga pasahero.

Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal, na unti-unti na nilang binabago ang ilang aerobridges para magamit ng mga pasahero sa NAIA T1.

Ilang dekada na rin uma­­nong ginagamit ng mga pasahero ang mga lu­mang passenger boarding bridges(PBB), kaya naman panahon na para palitan ito ng ‘apron-type at pedestal-type’ para maging kompor-table ang mga pasahero sa paliparan.

Ayon kay Monreal, magpapalit sila ng karagdagan 9 units ng PBB sa Phase 1 samantalang sa bahagi ng Phase 2 ng NAIA Terminal 1 ay maglalagay din ng 11 units na boarding bridges. Ang pagsasaayos ng PBB sa Phase 1 ay sinimulan kahapon at inaasahan na makukumpleto ang mga ito sa December 2018 at ang Phase 2 project ay inaasahan mapapalitan  sa 1 quarter ng 2019.

“Rest assured that we will work doubly hard to make a difference for the benefit of the air riding public,” pagtatapos   ni Monreal.

Show comments