Navotas nakuha ang pinakamataas na marka mula sa COA
Sa ikatlong pagkakataon
MANILA, Philippines — Sa ikatlong pagkakata- on, nakatanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pinakamataas na marka mula sa Commission on Audit (COA).
Ginawaran ng COA ang lungsod ng “unqualified opi-nion” noong 2016, 2017 at ngayong taon.
Ayon sa Independent Auditor’s Report na ibinigay kay Mayor John Rey Tiangco, ang ulat pinansyal ng lungsod para sa taong 2017, kasama ang financial position, financial performance at cash flows, ay maliwanag na naiprisinta sa lahat ng materyal na aspeto at maayos na nakasunod sa Philippine Public Sector Accounting Standards.
“Lubos nating ikinatutuwa at ipinagmamalaki na nabigyan na naman tayo ng COA ng unqualified opinion. Pinapatunayan nito ang ating pagsisikap na gawing tapat at maayos ang mga tran-saksyong pinansyal ng ating lungsod,” ani Tiangco.
“Ang opinyon din na ito ng COA ay nagsasalamin ng pagpupursige ng ating lungsod na gamitin ang buwis ng mamamayan sa wastong paraan at bigyan sila ng karapat-dapat na serbisyo,” dagdag pa niya.
“Nagtitiwala ako na ang tagumpay na ito ay magbibigay sa atin ng inspirasyon para mas pagbutihin ang kalidad ng ating serbisyo sa mga Navoteño,” dagdag pa niya.
- Latest