Container vans na may ballot boxes, inabandona
Pinaiimbestigahan sa BOC
MANILA, Philippines — Hiniling kahapon sa Bureau of Customs na imbestigahan ang walong container vans na natagpuan sa Taguig City na sinasabing naglalaman ng ballot boxes na ginamit noong 2016 national elections.
Sa dalawang pahinang sulat na tinanggap ni Commissiner Isidro Lapena, inimpormahan ng residente ang BOC sa 40-foot shippine containers na kahina-hinalang inilagak sa isang private property malapit sa Hagonoy Pumping Station sa may C-6 Road may isang buwan na ngayon.
Ang sulat ay buhat sa isang Mary Glosary Bautista, na ang kanyang pamilya ang siyang nagmamay-ari sa property. Sinabi pa nito na ang mga container ay inilagay sa kanilang lote ng walang abiso sa kanila.
Ayon pa kay Bautista, isa sa kanilang manggagawa ang nagawang tignan ang loob ng van na nasira ang security lock at doon nga tumambad ang mga ballot boxes na ginamit noong nakalipas na halalan.
“Naglalaman ang mga van ng puting transparent ballot boxes na ginamit sa huling PCOS machine election,” sabi pa sa sulat.
- Latest