^

Metro

Basura sa Maynila, lumalala

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Basura sa Maynila, lumalala
Halos ganito ang mga tambak ng mga basura na makikita sa maraming lansangan sa Maynila kaya nga kinakalampag na ang pamahalaang lungsod na umaksyon ukol dito nang hindi tuluyang bumaho ang Maynila.
(Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Mga residente na mismo sa lungsod ng Maynila ang kumakalampag kay Manila Mayor Joseph Estrada na asikasuhin at aksiyunan ang mga tambak na basura sa iba’t ibang kalsada sa lungsod.

Reklamo ng  publiko,  tila napapabayaan na ni Mayor Erap at ng kanyang mga tauhan sa Department of Public Safety (DPS) ang kalinisan ng Maynila dahil sa gabundok ng mga basura ang nakikita kung saan-saan.

Namamaho na umano ang lungsod ng Maynila na pinanga­ngambahan ding posibleng pagmulan ng mga sakit.

Imposible umanong hindi nakikita ng mayor at kanyang mga tauhan ang problema sa basura dahil inilalabas na mismo ng mga residente ang basura nila sa kalye na ilang araw nang hindi hinahakot kaysa naman daw sa loob mismo ng bahay nila bumaho ito ng tuluyan.

Ilan sa mga lugar ng may mga gabundok na basura ay Blumentritt, Legarda , Quiapo, Avenida at Road 10.

Sinabi naman ni Estrada na inatasan na niya si DPS chief Che Boromeo na su­yurin ang lahat ng mga kalsada at wag mag-iiwan ng mga basurang nakatiwangwang sa mga nabanggit na lugar. 

Dagdag pa ni Estrada, maglalaan siya ng mga karagdagang tauhan ng DPS upang maagad ang mga ba—sura na itinatapon ng walang disiplinang mga residente.

Madalas ngayon narereklamo ang Maynila dahil sa pagiging marumi ng lungsod. 

Mistulang hindi umano naibalik ng kasalukuyang mga nakaupo dito ang ganda ng Maynila, kundi mukhang tumindi ang dumi sa kapaligiran nito.

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY

JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with