Basura sa Estero de Magdalena, hindi maubos-ubos

Sabi ni Bong Nebrija, supervising operations officer ng MMDA, katuwang aniya nila ang local government unit (LGU) at mga official ng barangay sa paglilinis ng naturang estero.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kahit sa kasagsagan ng ulan, nasa 3 pang truck ng basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) sa kanilang isinagawang clean-up drive sa Estero de Magdalena sa Tondo, Maynila  kahapon ng umaga.

Sabi ni Bong Nebrija, supervising operations officer ng MMDA, katuwang aniya nila ang local government unit (LGU) at mga official ng barangay sa paglilinis ng naturang estero.

Ang kanilang hakbangin ay kaugnay sa pagpapaigting ng ‘estero blitz program’ ng ahensya para maibsan aniya ang pagbaha sa Metro Manila kapag sumasapit ang tag-ulan, na isa sa nagiging sanhi ng matinding trapik sa ilang kalsada.

Kasabay nito, umapila rin si MMDA parkway clearing group head Francis Martinez sa mga bagong halal na barangay officials, na magtalaga ng 2 barangay police para bantayan ang mga creek kontra sa mga pasaway na nagtatapon ng basura. 

“Panawagan sa mga  newly elected barangay officials na magpokus din na bantayan yung mga creeks  para maiwasan ang pagtapon ng basura,” ani Martinez.

Mariing binalaan din ni Martinez ang mga barangay official, na kaso ang kakaharapin nila kapag hindi nila namantina ng maayos ang kalinisan sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga creek.    

Show comments