Libreng sakay sa MRT, LRT sa Independence Day
MANILA, Philippines — Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-120 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 1 & Line 2 (LRT-1, LRT-2) bukas, araw ng Martes.
Ayon sa mga anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) at LRTA para sa kanilang tatlong mass rail systems, magkakaloob sila ng libreng sakay para sa lahat ng kanilang mga pasahero bukas mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
“Sagot namin ang sakay nyo! Ingat po sa biyahe!” ayon sa pamunuan ng LRT-1.
“Free rides for LRTA Line 2 patrons on June 12, 2018 in celebration of the 120th year of Philippine Independence,” paabiso naman ng LRT-2.
“Good news: In celebration of the 120th Anniversary of the Proclamation of Philippine Independence, DOTr MRT-3 will offer free rides to all passengers on June 12, 2018,” anunsyo pa ng DOTr.
Ang LRT-1 ay bumibiyahe sa Roosevelt, Quezon City patungo ng Baclaran, Parañaque City at vice versa habang ang LRT-2 ay mula sa Claro M. Recto Avenue, Maynila, patungo ng Santolan, Pasig City at vice versa.
Samantala, ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), mula North Avenue, Quezon City hanggang sa Taft Avenue, Pasay City at vice versa.
- Latest