Mga mag-aaral sa Maynila, binigyan ng sapatos

MANILA, Philippines — Ipinamahagi ni Manila Mayor Joseph Estrada sa may 1,500 mag-aaral sa  Bacood Elementary School  ang ‘Erap All Star’ shoes kasabay ng pagbubukas ng klase kahapon.

Sa kanyang maikling pananalita, sinabi ni Estra­da na titiyakin niyang mabi­bigyan ng sapatos ang  lahat ng 280,000 estudyante sa Maynila bilang bahagi ng  paglalaan ng pangunahing pangangailangan ng mga estudyante sa  elementary at high school level.

Una nang ipinamahagi ni  Estrada ang P5,000 cash sa 1,000 magagaling na es­tudyante upang pambili ng  kanilang mga gamit sa pa­aralan at uniform.

Binigyan diin pa ni Estrada na gamit din niya ang ‘Super­star Shoes’ na indikasyon ng kanyang pakikibahagi at pakikiisa sa matagumpay na pag-aaral ng mga estud-yante. 

Umapela si Estrada sa mga estudyante na mag-aral mabuti upang magkaroon ng maayos at maunlad na pamumuhay.

Iwasan lamang umano ng mga mag-aaral na  masang­kot sa usapin ng ilegal na droga upang hindi masira ang kanilang buhay at kinabukasan.

Show comments