Cedric Lee, guilty sa kidnapping!

Cedric Lee

MANILA, Philippines — Hinatulan ng hukuman na guilty sa kasong kidnapping ang kontrobersiyal na negosyanteng si Cedric Lee  na isinampa laban sa kanya ng aktres at dating girlfriend na si Vina Morales, matapos na mabigong isauli kaagad ang kanilang menor-de-edad na anak sa loob ng siyam na araw noong taong 2016.

Sa desisyong inisyu ni Judge Anthony Fama ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) Branch 277, inatasan pa nito si Lee na magbayad ng P300, gayundin ng moral at nominal damages na may kabuuang halagang P50,000 kay Morales.

“The action of the accused in not immediately returning the custody of minor Ceana was premeditated, intentional and malicious, as he adamantly refused to return the custody of minor Ceana to the private complainant, through her sister, when he is legally obligated to do so,” bahagi ng 10-pahinang desisyon ng hukuman.

“Wherefore, judgment is hereby rendered finding accused Cedric Cua Lee guilty beyond reasonable doubt of  the crime of kidnapping and failure to return  a minor,” anang desisyon.

Batay sa rekord ng korte, nagsampa ng kasong kidnap­ping si Morales o Sharon Garcia Magdayao sa tunay na buhay, laban kay Lee dahil sa paglabag nito sa utos ng korte sa pagbibigay ng karapatan dito na bisitahin ang kanilang anak kada araw ng Sabado.

Sa reklamo ng aktres, mula Mayo 13 hanggang 22, 2016, ay nasa kostudiya ni Lee ang kanilang anak.

Nagsampa naman ng dalawang kasong libel si Lee laban kay Morales sa korte dahil pawang kasinungalingan umano ang pinagsasabi ni Morales ngu-nit ibinasura na ito ng korte noong nakaraang taon.

Show comments