Fare increase sa PUVs dapat munang pag-aralang mabuti--Joy B
MANILA, Philippines — Nanawagan si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa pamahalaan at sa mga transport operators na pag-aralang mabuti ang anumang planong pagtataas ng pamasahe sa lahat ng public utility vehicles sa bansa laluna sa mga passenger jeepney.
Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte kasabay ng pagsisimula ng deliberasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa fare hike petitions ng iba’t ibang transport groups bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Binigyang-diin ni Belmonte na dapat pag-aralang mabuti ang inaasahang fare hike dahil ang kapakanan ng mahihirap na mamamayan ang labis na tatamaan nito.
“I would just like to encou-rage them to make studies - make sure that there’s a proper basis for whatever decision they make, and it’s consulted with the people,” pahayag ni Belmonte.
“That’s mass transit you’re talking about,That’s a transit of the poorest of the poor. They have to make sure that their passengers are also not going to be adversely affected. It’s not an arbitrary decision,” dagdag ni Belmonte.
Giit ng jeepney operators sa LTFRB na mula sa grupong Pasang Masda at Jeepney Operators and Drivers’ Associations of the Philippines na may ruta sa Quezon City at Marikina na gawing P10 ang minimum fare sa jeep mula sa kasalukuyang P8 at P12 naman para sa mga aircon jeep.
Una nang sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na inuupuang mabuti ng LTFRB board ang mga fare hike petitions upang maging katanggap tanggap sa lahat ang ipalalabas na desisyon para dito.
- Latest