^

Metro

Tauhan ng Skyway sinalpok ng bus, patay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang tauhan ng Skyway Corporation matapos itong salpukin ng isang provincial bus habang nag-aayos ng mga traffic cone sa Skyway habang tatlo pa  ang sugatan sa Amorsolo Exit, Makati City, kahapon ng umaga.

Sanhi ng matinding pinsala sa katawan, dead on arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si Maynard Joel Tolentino.

Hindi na binanggit sa report ang pangalan ng tatlo pang biktima na nagtamo ng minor injuries.

Nasa kustodiya ngayon ng mga awtoridad ang suspek na si Wisly C. Macaya, ng Southville, Cabuyao, Laguna, driver ng JAM Liner na may plakang DYA-697.

Ayon sa report na natanggap ni Police Supt. Bernard Perez, ng Philippine National Police, Highway Patrol Group (PNP, HPG), naganap ang insidente alas-6:12 kahapon ng umaga sa Skyway elevated, malapit sa  Amorsolo Exit, Makati City.

Nabatid na minamaneho ni Macaya ang naturang bus at nais nitong mag-over-take sa isang bus na nasa kanyang unahan, subalit nasagasaan nito ang mga traffic cone na inaayos naman ng biktima.

Nang makita ng biktima na mahahagip siya ng bus, dali-dali itong nagpunta sa center island ng Skyway para iwasan ang aksidente.

Subalit, biglang kinabig ng driver na si Macaya ang minamaneho nitong bus hanggang sa napunta ito sa center island na kasalukuyan namang naroon ang biktimang si Tolentino na nasalpok ng bus. 

Kaagad na dinala ng ambulansiya ang mga biktima sa MMC, subalit hindi na umabot pang buhay si Tolentino.

Nagdulot naman ng matinding trapik sa mga motorista ang naturang insidente.

Ang nasabing suspect ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

SKYWAY ROAD ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with