MANILA, Philippines — Sa ikatlong pagkakataon, naparangalan ulit bilang pinakamahusay sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ang Quezon City sa disaster mitigation, response, at recovery sa buong National Capital Region (NCR).
Ang QC ay nangunguna bilang Highly Urbanized City DRRM Council at Government Emergency and Response Management Service category ngayong 2018.
Ang parangal ay naipagkaloob ng 2018 Regional Gawad KALASAG Search for Excellence on DRRM and Humanitarian Assistance na inorganisa ng Office of Civil Defense – NCR - Department of National Defense.
Ang QC’s Barangay Sto. Cristo ang ikatlong napili bilang Best Urban Barangay DRRM Committee category samantalang ang Melencio Castelo Elementary School sa Barangay Payatas ang nakabuslo ng 2nd spot sa Public Elementary School category.
Unang sumali ang QC sa KALASAG awards noong 2016 at agad naparangalan bilang number 1 sa Metro Manila.
Noong 2016 at 2017, ay 2nd ang QC sa National Gawad KALASAG search.