^

Metro

Botohan sa 1 brgy. sa kalsada ginawa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinara ng barangay ang dalawang lane sa santolan road sa Barangay Valencia, Quezon City na nilagyan ng dalawang tent, mga upuan at lamesa upang dito gawin ang botohan kaugnay sa idinaos na Brgy. at SK elections kahapon.

Ayon sa barangay, napagpasyahan nila at ng Comelec na ipatupad ang eleksiyon sa tabi ng kalsada sa nabanggit na lugar upang mas maayos na maidaos ang halalan doon.

Sinasabing noong nag­daang barangay election ay sa brgy. hall ginawa ang halalan, pero dahil may mga umuukopa nang ibat-ibang opisina dito ay hindi na kaka­yanin na pagdausan pa ang barangay hall ng halalan.

Wala umanong malapit na covered court o paaralan sa naturang barangay kaya’t minabuting isagawa na lamang ang halalan sa tabing kalsada.

Sinabi naman ng mga botante na mas maayos na ngayon ang lugar ng botohan dahil hindi masikip at komportable ang kanilang pagboto.

Kaugnay nito, nagkaroon naman ng kalituhan sa mga botante ang pagboto nang hindi nila makita ang pangalan sa major list of voters sa barangay.

Sa Brgy. Pasong Putik ay nagkaroon naman ng hindi pakakaunawaan ng dalawang grupo ng wat­cher dahil sa pagkakaroon ng maraming address ng botante pero kalaunan ay nakaboto din makaraang makita dito ang pangalan sa major list ng mga botante.

Ilan pa sa mga lugar na nagkaroon ng konting mga problema sa pagkawala ng pangalan ng mga botante  ay mula sa Brgy. Payatas, Bagbag at Batasan hills sa Quezon City.    

BOTOHAN

BRGY. AT SK ELECTIONS

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with