Mga nanay libreng sakay sa P2P bus
MANILA, Philippines — Magbibigay ng libreng sakay para sa mga nanay ang mga P2P buses, bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina sa Linggo, Mayo 13.
Nabatid mula sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), hanggang ngayong araw, Mayo 11 ay libreng makasasakay ang mga nanay sa mga P2P buses, bilang pagkilala sa kontribusyon nila sa kanilang pamilya at lipunan.
Kabilang sa magbibigay ng libreng sakay ang mga P2P bus ng RRCG na biyaheng Alabang Town Center – Greenbelt 1 at vice versa, sa pagitan ng alas-7:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon kapag galing sa Alabang at mula alas-8:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon kapag galing ng Greenbelt.
Libre rin naman ang sakay ng mga nanay sa P2P bus ng DNS na biyaheng UP Town Center – Glorietta 3 at vice versa mula alas-5:30 ng madaling araw hanggang alas-3:00 ng hapon kapag galing UP Town Center at alas-5:30 ng madaling araw hanggang alas-5:00 ng hapon kung galing Glorietta.
Sinimulan ng mga kompanya ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga nanay kamakalawa, Mayo 9.
- Latest