Ex-Baywalk Bodies member, timbog sa shabu

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang actress na dating miyembro ng all-female group na Baywalk Bodies sa isinagawang anti-drug operation sa Quezon City kamakalawa ng mada­ling araw.

Kinilala ng QCPD Station 1 ang naarestong suspek na si Kat De Santos, nasa hustong gulang na residente ng Tagaytay St. Brgy. San Jose, Quezon City.

Naaresto ang actress sa isinagawang drug-raid ng mga awtoridad  sa Tagaytay Street, Barangay San Jose dakong alas-3:00 ng mada­ling araw.

Ayon sa report, tinangka pa umanong tumakas ng suspek pero naaresto rin siya ng mga pulis.

Ayon sa ulat ng QCPD, nakuha nila sa nasabing da­ting aktres ang tatlong sachet ng shabu.

Nabatid na naglunsad ng magkakasunod na drug raid ang mga tauhan ng QCPD sa iba’t ibang lugar sa lungsod na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mahigit sa 50 drug personality.

Ayon pamunuan QCPD, magpapatuloy ang kanilang mga operasyon sa iba’t ibang lugar sa lungsod laban sa iligal na droga.

Show comments