MANILA, Philippines — Arestado ang isa sa dalawang bading na nang-molestiya sa isang 14-anyos na binatilyo sa Parañaque City, kamakalawa.
Kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspect na sina Archimedes Monreal, 29, pedicab driver, nakatira sa Sitio Maligaya St., Brgy. Baclaran habang nakatakas na si Nino Macasaet.
Sa reklamo na natanggap ng Women’s and Children Protection Desk, Parañaque City Police, alas-10:00 kamakalawa ng umaga nang dumulog sa kanilang tanggapan ang biktima na itinago sa pangalang Daniel kasama ang ina nito.
Base sa salaysay ng ina ng biktima, kasalukuyan nakikipaglaro ang kanyang anak sa may Aragon St., ng nasabing lugar nang biglang dumating ang dalawang bading na suspect at sapilitang hinatak ang biktima at isinakay sa isang pedicab at isinagawa ang pang-aabuso hanggang sa iniwan itong hubo’t hubad.
Kung kaya’t nagkasa ang mga pulis ng follow-up operation hanggang sa nadakip si Monreal habang si Macasaet ay nabigong maaresto.