^

Metro

Bading, nangmolestiya ng 14-anyos, timbog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isa sa dalawang  bading na nang-molestiya sa  isang 14-anyos na binatilyo sa Parañaque City, kamakalawa.

Kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspect na sina  Archimedes Monreal,  29, pedicab driver,  nakatira sa Sitio Maligaya St.,  Brgy. Baclaran habang nakatakas na si  Nino Macasaet.

Sa reklamo na natanggap ng  Women’s and Children Protection Desk,  Parañaque City Police, alas-10:00 kamakalawa ng umaga  nang dumulog sa kanilang tanggapan  ang biktima na itinago sa pangalang Daniel kasama ang ina  nito.

Base sa salaysay ng ina ng biktima, kasalukuyan nakikipaglaro ang kanyang anak sa may Aragon St., ng nasabing lugar nang biglang dumating ang dalawang ba­ding na suspect at sapilitan­g hinatak ang biktima at isinakay sa isang pedicab at isinagawa ang pang-aabuso hanggang sa iniwan itong hubo’t hubad.

Kung kaya’t nagkasa ang mga pulis ng follow-up operation hanggang sa nadakip si Monreal habang si Macasaet ay  nabigong maaresto.

ANTI-CHILD ABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with