Bagong QCPD director, umupo na sa puwesto

MANILA, Philippines — Umupo na sa puwesto ang bagong director ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng umaga.

Sa isang simpleng  sere­monya ay nanumpa sa kaniyang puwesto si Chief Supt. Joselito Esquivel bilang bagong director ng QCPD kapalit ni Region 4-A Director Guillermo Eleazar.

Ginanap ang turn over sa Camp Caringal dakong alas-9:30 ng umaga na dinaluhan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Camilo Cascolan bilang panauhing pandangal at iba pang opisyal sa Quezon City.

Sa mensahe ni Esquivel, sinabi nito na ipagpapatuloy niya ang mga magandang nasimulan ni Elezar sa QCPD at lalo pang papaigtingin ang ‘police visibility patrol’ sa kanyang nasasakupan para matiyak ang katahimikan at kaayusan sa lungsod.

Sinabi rin ni Esquivel, hindi niya bibiguin si PNP Chief, Director Gen. Oscar Albayalde na siyang kumuha sa kanya para italaga sa QCPD.

Aniya, hindi lang anti-drug operations ang magiging focus kundi bibigyang pansin din ang rehabilitasyon sa mga sumukong drug suspects sa pamamagitan ng community-based rehabilitation.

Si Esquivel ay miyembro ng PMA Maringal Class of 1988.

Show comments