^

Metro

Protektor ng illegal terminal at parking sa Maynila, wawalisin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling pinaalalahanan ni Manila Mayor Joseph  Estrada ang mga barangay at police officials na nagbibigay proteksiyon sa mga illegal terminal  at illegal parking  sa lungsod.

Nagpaalaala rin ang alkalde sa lahat ng traffic enforcers na magmando ng maayos sa trapiko sa lungsod at maging magalang sa pakikitungo sa mga pasaway na motorista, at iwasang gumawa ng katiwalian.

“Wag na nyo akong pilitin na gawin ang ginawa kong pagsibak sa mga korap na traffic enforcers. Lahat ng traffic enforcers at MTPB officers na nagbibigay proteksyon sa mga illegal terminal at illegal parking ay pananagutin ko,” ani Estrada.

Makabubuting alisin ang mga illegal terminal at illegal parking upang lumuwag ang trapiko sa lungsod.

Dagdag pa ni Estrada, tatanggalin niya ang  mga tumatanggap ng suhol sa mga operator ng illegal terminal o nagnene­gosyo ng illegal parking.

Ayon kay Erap, nakausap na niya ang mga pinuno ng transport groups tulad ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (Fejodap),Pasang Masda at PISTON na pawang nangako na tutulong na masolusyonan ang trapiko sa lungsod.

Nakiusap si Estrada na tulungan siya na walisin ang mga protektor ng illegal terminal/ parking sa lalong madaling panahon.

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with