7 miyembro ng pamilya arestado sa shabu

Iprinisinta ng pulisya ang 6 na miyembro ng pamilya Magno na umano ay untouchable matapos na sila ay maaresto ng MPD-Station 7 sa isang drug operation kamakalawa ng gabi. Bukod sa pagbebenta ng droga ay sangkot din ang pamilya sa gun for hire.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Pitong magkakamag-anak kabilang ang isang menor de edad ang naa-resto sa isinagawang buy bust operation sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Danilo Manansala,40; Virgilio Magno, 34; Carlo Magno, 36; Rosanna Odayat, 32; Jelly Ann Nedroda, 24; Jayson Odayat, 36 at isang 15-anyos na dalagita.

Batay sa ulat, pinasok ng mga pulis ang bahay ng mga suspek na matatagpuan sa Interior 44, Laong Nasa St., matapos maka­bili ang poseur buyer ng isang sachet ng shabu sa isa sa mga suspek.

Nasamsam ng mga pulis ang 19 sachet ng shabu na may street value na P282,000; drug paraphernalias, timbangan, P2,000  marked money at caliber 45 pistol.

Nabatid na ang Magno Group ay isa sa pinangga­galingan ng droga sa lugar at sangkot din ang grupo sa gun for hire.

Ang anim ay kinasu­han sa paglabag sa anti-illegal drug act at illegal possession of fire arms habang ang menor de edad ay dadalhin sa DSWD. 

Show comments