MANILA, Philippines — Isang dating bilanggo ng New Bilibid Prison na nagpanggap na Colonel ng AFP at apat na iba pa kabilang ang kanyang anak ang dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang anti-drug operation sa Taytayin,Hagonoy,Bulacan at nakumpiska ang nasa P400,000 halaga ng shabu.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Antonio Lascano Dela Cruz Sr., anak nito na kapangalan niya na si Dela Cruz Jr.; Gilbert Montemayor Bondoc; Ralph Cruz Paule; at Jeric Mariano Lascano.
Ayon kay NBI Director Dante Gierran na isang buwang isinailalim sa surveillance ang lugar at ang mga galaw ng tao sa nasabing palaisdaan bago ikinasa ang pagsalakay gamit ang inisyung search warrant ng Manila Court.
Nabatid na noong taong 2011 nang makalaya si Dela Cruz Sr., sa kasong frustrated Homicide. Nalaman ng NBI na simula pa noong taong 1980 ay sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga at dati nang may warrant of arrest sa kinasangkutang kasong paglabag sa droga.
Kilala umano sa lugar si Dela Cruz Sr., na isang Colonel ng AFP dahil yun ang nakikita sa kaniya ng tao sa tuwing nakasuot ng uniporme at kumpleto sa armas.
Ang apat na naaresto ay naaktuhan sa nasabing raid na nagpa-pot session na tinangka pang tumakas nang magpulasan,subalit lahat ay nakorner ng mga operatiba.
Narekober ang 11 sachets ng shabu na tinatayang nasa P400,000, ang halaga at shabu paraphernalias,13 iba’t ibang uri ng baril.