MANILA, Philippines — Nasa dalawang kilong shabu na tinatayang nasa P10 milyon ang halaga ang nasamsam mula sa lider ng isang robbery-hold-up group na sinasabing isa ring kilabot na tulak matapos itong madakip sa isang buy-bust operation na ikinasa ng mga kagawad ng Southern Police District, Drug Enforcement Unit (SPD-DEU) kahapon ng umaga sa Taguig City.
Kinilala ni SPD Director Chief Supt. Tomas Apolinario ang naarestong suspect na si Suwaib Mamalangkay, 35, tanod ng Brgy. Central Bicutan at naninirahan sa Maharlika Village ng nasabing lungsod.