Grade 4 student idinamay
MANILA, Philippines — Bunsod ng matinding selos, isang buntis ang pinagsasaksak hanggang mapatay ng kanyang live-in partner sa Barangay Barangka Ilaya, Mandaluyong City noong Lunes. Idinamay pa ng suspek ang isang grade 4 na estudyante.
Kahapon lamang natuklasan ang ginawang pagpatay sa mga biktimang sina Ma. Rosula Paunil, 40, at kanyang pamangkin na itinago sa pangalang “JSB”, kapwa residente ng Unit 205 Ridgeway Residences, 70 Dansalan Street, Barangay Barangka Ilaya sa tulong ng isang testigo.
Kaagad namang inutos ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Reynaldo Biay sa Mandalu-yong City Police, na pinamumunuan ni P/Senior Supt. Moises Villaceran ang pagtugis at pag-aresto sa suspek na si Benjamin Pardenez Jr., taxi driver, ng Dalia Street, Barangay Magdiwang, Bacoor, Cavite.
Ayon sa testigo, dakong alas-11:30 ng gabi noong Lunes, ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Pardenez at sinabing napatay niya ang kanyang kinakasama at ang estud-yante.
Hindi agad nakapagdesisyon ang testigo kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang nalaman mula mismo sa suspek hanggang kinabukasan ay maisipan niyang magsumbong sa mga awtoridad.
Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Follow-Up Unit ng Mandaluyong City Police, sa pangunguna ni SPO3 Renante Guillergan, sa lugar na itinuro ng testigo, pero pagdating sa naturang bahay ay naka-padlock ang pintuan ng tahanan.
Sa tulong ng mga barangay official at ilang residente sa lugar ay sinira ng mga pulis ang padlock at pinasok ang bahay at doon na natagpuang magkapatong ang bangkay ng mga biktima.
Sa kasagsagan ng im-bestigasyon ng pulisya, isa pang testigo, sa katauhan ng security guard ng gusali na si Ricky Urbina, 44, ang lumutang at kinumpirmang nakita niya ang suspek nang umalis ng unit ng mga biktima dakong 6:15 ng gabi ng Abril 16 at may bitbit pang backpack.
Dakong 4:00 ng hapon ay nagpatawag pa aniya ng taxi ang suspek ngunit bumaba lamang ito ng unit, makalipas ang dalawang oras.
Crime of passion naman ang isa sa mga tiniting- nang anggulo ng pulisya sa krimen.
Ayon kay Villaceran, sinabi ng impormante nila na nagseselos umano ang suspek kaya marahil nagawa nito ang pagpatay.
Sinegundahan naman ito ng guwardiya at sinabing noong isang araw ay ipinakita pa sa kanya ni Paunil ang kanyang mga pasa at sinabing binugbog siya ng suspek dahil sa selos.
Si Pardinez ay sasam-pahan ng kasong two counts of murder at unintentional abortion.