^

Metro

200 pamilya nasunugan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa humigit kumulang sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang bahay ng nasa 100 informal settlers kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.

Sa report ng Parañaque City Fire Department, nagsimulang sumiklab ang apoy pasado alas-5:00 ng hapon sa Balicanta Compound, Better Living, Brgy. Don Bosco.

Dahil gawa sa light materials kaya nilamon ng apoy ang nasa 100 kabahayan na nagresulta upang mawalan ng tirahan ang humigit kumulang na nasa 200 pa­milya.

Tumuloy muna pansa­man­tala ang mga ito sa F. Serrano Sr. Elementary School at agad na itinaas sa ikala­wang alarma ang sunog ma­kalipas ang 30 minuto.

Sinasabing may mga batang naglalaro ng siga bago sumiklab ang apoy at kuwento pa ng ilang residente, sunud-sunod ang pagputok ng mga kawad ng kuryente na lalung nagpa­laki umano ng apoy.

Humihingi ng tulong ang mga nasunugan dahil ma­rami sa kanila ang nawalan ng gamit.

ARAñAQUE CITY FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with