4 hulidap cops timbog

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng Manila Police District ang inaresto ng Philippine Natio­nal Police-Counter Intelli­gence Task Force team at National Bureau of Inves­ti­gation (NBI) mata­pos ang mga itong ireklamo ng pango­ngotong sa isina­gawang entrapment operation sa lungsod ng Maynila ka­ma­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasa-koteng pasaway na parak na sina SPO3 Ranny Dionisio, PO3 Richard Bernal, PO1 Elequiel Fernandez at PO1 Arjay Lasap, pawang mga kasapi ng Intelligence Section ng Police Station 9 ng MPD.

Bandang alas-6:15 ng gabi, ayon kay Chief Inspector Jewel Nicanor, nang isagawa ng mga operatiba ang entrapment operation laban sa apat na hulidap na mga parak sa loob ng isang convenience store sa may Caltex Station sa kahabaan ng Quirino Avenue  sa panulukuan ng Mabini Street sa lungsod ng Maynila.

Ang entrapment opera-tion ay base sa reklamo ng isang Egyptian national na inaresto ng sampung pulis noong Abril 9 kaugnay ng pag­labag sa Republic Act (RA) 9165 o Anti-Illegal Drugs Act.

Sinabi ni Nicanor na hinihingan umano ng nasabing mga parak ng P200,000 ang nasabing dayuhan upang hindi na ito sampahan ng kasong kriminal.

Ang nasabing demand ay naibaba sa P50,000 kung saan naisyuhan ang mga suspek ng tseke na papalitan ng cash sa nasabing araw  at itinakda ang entrapment operation sa nasabing convenience store.

Hindi na nakapalag ang mga suspect matapos na ares­tuhin ng mga nakaposteng awtoridad sa aktong tinatanggap ang nasabing halaga.

Show comments